HOMEFIAImpormasyong pangkabuhayan para sa mga foreignersJapanese ClassesKonektadong inpormasyon sa napakalakas na lindol na naganap sa silangang parte ng JapanDisaster Prevention

Umpisa sa buwan ng Hunyo 1(Huwebes) ang presyo ng postcards sa Koreo ay magbabago

 Simula Hunyo 1, ang presyo ng pag huhulog ng pangkalahatang postcards ay magtataas sa halagang 62 yen. Para sa mga postcards na may mga tatak na 52 yen, dagdagan lang ng 10yen stamps ay puwede pa ring gamitin. Ang postcards na may tatak na 62 yen at ang may kanya kanyang nakatalagang stamps ay uumpisahang mag benta sa Mayo 15.
 Ang sakop sa pagbabago ng presyo ay para sa pangkalahatang postcards. Ngunit ang New Years card ay hindi kasali sa pagtaas ng presyo, mananatiling 52 yen ang presyo nito.

 May iba’t ibang klase ng post cards, tulad ng reply cards, oversized postcards, at ang internationally aimed postcards na ang bawat isa ay may kanya kanyang sariling presyo. Magkakaroon ng malaking pag kakaiba sa presyo ng pagpapadala ng postcards depende sa bigat at sukat nito.

 Para sa karagdagang impormasyon ay paki bisita na lang po ang homepage ng Japan Post.

Japan Post Standard Mail Services Page
 http://www.post.japanpost.jp/index.html

To the top of a page