HOMEFIAImpormasyong pangkabuhayan para sa mga foreignersJapanese ClassesKonektadong inpormasyon sa napakalakas na lindol na naganap sa silangang parte ng JapanDisaster Prevention

Kasalukuyang ginaganap ang 「Fukushima Sake Brewery Touring Stamp Rally 2017」

 Ang stamp rally na ito ay ebento na kung saan ang sasali ay mag iipon ng stamps ng bawat mga partisipante ng Sake Breweries sa Fukushima.

 Sa loob ng 54 mga pasilidad ng parsipipante ( kasama na ang sake breweries, local na produktong beer, wineries, at distilleries) ang mga sumali sa field trips, ang sesyon para sa pagtikim ng alak, at ang pagbili ng mga produkto ang makakakuha ng points.
 At ang points na ito ay puwedeng gamitin para sumali sa palabunutan upang manalo ng overnight trip o kaya naman ay iba’t ibang klase ng lokal na sake.

 Puwede ding sumali sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng social media sites tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter.
 Facebook   Instagram   Twitter

Para sa detalye, paki bisita po ang website sa ibaba http://www.fukushima-sakagura.jp/

Takdang pananhon : Hanggang Nobyembre 5 (Linggo)

Para sa karagdagang impormasyon paki kontak po ang Fukushima Sake Brewery Touring Stamp Rally Management Office.
 TEL:024-521-2550
 URL:http://www.fukushima-sakagura.jp/

To the top of a page