HOMEFIAImpormasyong pangkabuhayan para sa mga foreignersJapanese ClassesKonektadong inpormasyon sa napakalakas na lindol na naganap sa silangang parte ng JapanDisaster Prevention

Ang pagkakabit ng tire chain kapag malakas ang ulan ng yelo ay naging compulsary

Para maiwasan ang paghan-up ng sasakyan kapag umalan ng malakas na yelo,  simula ngayong winter ay nagpalabas ng makabagong counterplan ang Ministry of Land, Infrastructure and Transportation. 
Kapag umulan ng yelo at umabot sa warning level ay, sa highway at sa ibang parte ng national road ay magkakaroon ng anunsyo na maglagay ng tire chain at magkakaroon din ng traffic regulations.

Ang mga lugar na magiging target ay, lugar na karamihan ng sasakyan ay tumitirik at may mga matarik na kalsada.Ang mga detalye tungkol sa lugar ay ipapahayag sa susunod.

 

※Ang nag nanais na magkaroon ng masmalalim na kaalaman sa wikang Tagalog ay tumawag lang po tuwing ika- una, pangalawa, pangatlong Linggo ng buwan. Ang nakakapag salita ng Tagalog ang siyang sasagot sa telepono.
 Pandaigdigang Asosasyon ng Fukushima(FIA)   TEL:024-524-1316

To the top of a page