HOMEFIAImpormasyong pangkabuhayan para sa mga foreignersJapanese ClassesKonektadong inpormasyon sa napakalakas na lindol na naganap sa silangang parte ng JapanDisaster Prevention

Ang Machinaka Hiroba sa lunsod ng Fukushima ay walong buwang hindi puwedeng gamitin

Ang central district kung saan ginagamit ng mga mamamayan sa pagdiriwang at pag sasagawa ng event o kaya naman ay presentation, machinaka hiroba, ay hindi muna puwedeng gamitin sa kadahilanang isasagawa ang maintenance construction ng central area ng lunsod.

Ang construction ay uumpisahan ngayong taon ng 2019 buwan ng Marso, at dahil dito ang hiroba ay walong (8) buwang hindi magagamit. Ayon sa lunsod ng Fukushima na siyang nag aasikaso sa hiroba ay, habang hindi puwedeng gamitin ang machinaka hiroba ay pansamantalang magagamit ang, eki mae hiroba o kaya naman ay ang sankaku hiroba, at magbibigay na lang po ng impormasyon para ipaalam ang iba pang lugar na puwedeng gamitin pansamantala.

※Ang nag nanais na magkaroon ng masmalalim na kaalaman sa wikang Tagalog ay tumawag lang po tuwing ika- una, pangalawa, pangatlong Linggo ng buwan. Ang nakakapag salita ng Tagalog ang siyang sasagot sa telepono.
 Pandaigdigang Asosasyon ng Fukushima(FIA)   TEL:024-524-1316

To the top of a page