Pagpapagamot
- HOME
- Pagpapagamot
Pagpapagamot
1.Paghahanap ng mga institusyong medikal na may taga interpreta ng banyagang wika.
(1) Prepektura ng Fukushima「Fukushima Impormasyong Medikal Net」
Sa prepektura ng fukushima ay puwedeng hanapin ang institunyong medikal na may banyagang wika.(Wikang Hapon・Ingles) (atbp.)
(2) Japan National Tourism Organization 「Gabay kapag sumama ang pakiramdam」(Ingles)
Sa buong bansa ng Hapon ay puwedeng hanapin ang institunyong medikal na may banyagang wika.
Ipinakikilala kung papaano humingi ng kalinga sa institusyong medikal, pati na ang tungkol sa malulubhang sakit at paksa ng medikal na paggamot
2.Paghingi ng kalinga ng institusyong medikal
Sa bansang Hapon pagka natrangkaso o nasugatan ay pumupunta sa pinaka malapit na doktor(klinik).
Kapag nagkasakit o nasugatan ng malubha pumunta ng ospital. Kapag nagkagayon ay maaaring kailanganin ang letter of referral mula sa klinik.
Kailangang ipakita ang 「health insurance card」kapag pumunta sa institusyon ng medikal.
Kapag naka sali sa medical insurance ay magkakaroon ng discount sa babayarang halaga ng pagpapagamot.
-
Ibaraki Prefecture International Association 「Medical Handbook」 (21 na wika)
Ang handbook na ito ay makatutulong upang ipaalam ang iyong pangunahing sintomas kung pupunta sa institusyon ng medikal
https://www.ia-ibaraki.or.jp/kokusai/tagalog/medical/book/all.pdf
-
Ministry of Health, Labor and Welfare 「Pagpapaliwanag ng dokumento sa iba't ibang wika para sa mga dayuhan」 (Ingles)
Ang medical questionnaire at ang dokumento ng paraan ng pagpapahospital ay nakasulat sa banyagang wika.
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/iryou/kokusai/setsumei-ml.html
3.Gamot
(1) Mga pangunahing gamot sa trangkaso o pagsakit ng ulo
Maaaring bumili ng gamot sa botika o drug store.
Hindi maaaring gamitin ang medical insurance kaya hindi mumura ang halaga ng gamot.
(2) Ang gamot na may riseta ng doktor.
Kapag nagpatingin sa institusyong medikal ay makakatanggap ng riseta mula sa doktor.
Kapag ipinakita ang riseta mula sa doktor sa botika o drug store ay maaaring bumili ng gamot.
Kung magkagayon, ang nakasali sa medical insurance ay makakamura sapag bili ng gamot.
Karagdagan,kumonsulta dito kung mayroon mang suliranin o hindi maintindihang bagay.
Fukushima International Association 「Tanggapan sa konsultasyon ng dayuhang residente (7 wika)
https://www.worldvillage.org/life/tl/consultation/consultation.htmlPuwede ding mapagsanggunian
Ministry of Justice「Suporta para sa Pamumuhay ng mga Dayuhang mamamayan」(15 wika)