Paghahanda sa oras ng kapahamakan

  1. HOME
  2. Paghahanda sa oras ng kapahamakan
  3. Bago maganap ang kapahamakan

Ano ang mangyayari kapag naganap ang likas na kapahamakan?

Kapag ang malaking sakuna ay naganap

Gumawa ng kopya ng resident card at passport

Kung maganap ang kapahamakan,kakailanganin ang mga dokumentong makapagpapatunay at makapagpapakilala sa iyo.

Kung itatabi ang kopya ng mga ito, sakali mang mawala ang orihinal ay makakatulong ang kopya sa pagpapatunay ng pagpapakilala sa iyo.

Dalahin ang SOS card sa lahat ng oras.

Ito ay card na magagamit para makahingi ng tulong sa mga kalapit bahay.

Nakasulat dito ay 「Hindi ako marunong magsalita ng wikang Hapon. Tulungan po ninyo ako」

Ang gustong magkaroon ng card ay tumawag po sa Fukushima International Association.

Pagaralan ang mga salita at pangungusap na may koneksyon sa oras ng kapahamakan

Sa oras ng kapahamakan, maaring hindi kaagad maipapahayag ang impormasyon sa iba’t ibang wika.

Kaya makabubuting isaulo din ang impormasyon sa wikang Hapon dahil malaki ang maitutulong nito.
Halimbawa,

Wikang Hapon Pag bigkas Kahulugan
避難 Hinan: (Paglikas)  Paglipat sa ibang lugar
避難所 Hinan jo: (Evacuation Shelter) lugar na takbuhan ng nagsilikas
地震 Jishin: (Lindol) Pagyanig ng lupa
余震 Yoshin: (Aftershocks) Mahinang lindol matapos maganap ang malakas lindol
津波 Tsunami: (Mataas na alon) Mataas na alon sanhi ng lindol
高台 Takadai: (Burol) Mataas na lugar
台風 Taifu: (Bagyo) Pag-ihip ng napakalakas na hangin at pagpatak ng napakalakas na ulan
洪水 Kozui: (Pagbaha) Pag-apaw ng tubig ng ilog
土砂崩れ Doshakuzure: (Landslide) Pagkatibag ng bundok
竜巻 Tatsumaki (Buhawi) Umiikot at napakalakas na bugso ng hangin
助けてください Tasukete kudasai: (Tulungan nyo ako.) Salita ng nangangailangan ng tulong

Isulat at palaging dalahin ang numero na dapat tawagan kung sakaling maganap ang kagipitan

Isulat at palaging dalahin ang numero ng pamilya, kaibigan, at ang numero ng embahada na puwedeng kontakin para ipaalam ang iyong kasalukuyang kalagayan at ang kinaruruonan.

Pagpasyahan ninyong magpamilya kung saang lugar magkikita-kita at ang pag- lilikasang lugar.

Oras na maganap ang sakuna, may posabilidad na magkahiwahiwalay kayong pamilya. Kaya mahalagang pag usapan ng patiuna kung saang lugar magtatagpu-tagpo at saang lugar maglilikas.

Alamin kung saan makakakuha ng impormasyon tungkol sa sakuna at kung papaano gamitin ang serbisyo ng mensahe sa oras ng kapahamakan.

Ang patiunang pag sisiyasat ay makatutulong sa madaliang pag gamit sa oras na maganap ang kagipitan.

Ihanda ang mga bagay na magagamit sa pagiwas sa kapahamakan.

Ilagay sa loob ng backpack ang mga pinakaimportanteng bagay, para madala kaagad kung kinakailangan.

Makisalamuha sa mga kapit-bahay. Sumali sa panlalawigang pagsasanay sa oras ng kapahamakan

Sa oras ng kagipitan o kapahamakan ang kapit- bahay ang siyang mahihingian ng tulong. Kaya ugaliin ang pagbati at pakikisalamuha sa kanila.

At sa pagsali sa panlalawigang pagsasanay sa oras ng kapahamakan ay alamin ang lugar na inyong matatakbuhan.

Makakatulong na links impormasyon sa pamumuhay

Video sa iba’t ibang wika ng pag-iwas sa pakahamakan 「Lindol!Ano ang dapat mong gagawin?」(Sendai Tourism International Association) (12 wika)
http://int.sentia-sendai.jp/blog/j/j-1650/
「Impormasyon na Matutulungan Kapag Pag-iwas sa Kalamidad at Kalamidad」 (Tokyo Metropolitan Foundation “TSUNAGARI”)
https://tabunka.tokyo-tsunagari.or.jp/english/information/howto.html
「Manwal ng pag-iwas sa kapahamakan」(Fire and Disaster Management Agency) (Ingles)
https://www.fdma.go.jp/relocation/bousai_manual/index.html
「Tiwala sa sarili kapag lumindol」(Firefighting Disaster Prevention Science Center) (6 wika)
https://www.bousai-kensyu.com/knowhow/pamphlet01/
Pag-iwas sa Kapahamakan Guidebook Fukushima 「Sonaeru Fukushima Note (Prepektura ng Fukushima) (Ingles)
https://www.pref.fukushima.lg.jp/sec/01010a/sonafukunote.html
Prepektura ng Fukushima Fukushima Pag-iwas sa Kapahamakan Web-site 「Maghanda para sa kalamidad(Prepektura ng Fukushima) (Ingles)
https://www.pref.fukushima.lg.jp/site/bousai/list692.html
Impormasyon ng pamumuhay sa iba’t ibang wika 「Kinakailangang oras・Oras ng sakuna (Council of Local Authorities for International Relations) (15 wika)
http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/p/index.html

Karagdagan,kumonsulta dito kung mayroon mang suliranin o hindi maintindihang bagay.

Fukushima International Association 「Tanggapan sa konsultasyon ng dayuhang residente (7 wika)

https://www.worldvillage.org/life/tl/consultation/consultation.html

Puwede ding mapagsanggunian

〒960-8103
Fukushima-Ken Fukushima-shi Funabacho 2ban 1go Fukushima Kencho Funabacho bunkan 2kai

TEL 024-524-1315

FAX 024-521-8308

Martes~Sabado 8:30~17:15
Araw na walang pasok: (Linggo, Lunes, holiday, Disyembre 29 ~Enero 3 ay walang serbisyo)

(c)2023 Fukushima International Association. All right reserved.