Unahin ang pagproproseso sa munisipyo

  1. HOME
  2. Unahin ang pagproproseso sa munisipyo

Mga bagay na dapat kaagad ayusin sa munisipyo pag pasok ng bansa

1.Resident Card

(1) Resident Card

Lakarin ang pamamaraan sa paliparan ng bansang pinasukan
Ang card na ito ay kakailanganin ng mga dayuhang maninirahan sa bansang Hapon ng mahigit 3 buwan bilang ID.
Tulad ng pasaporte ang resident card ay importante
Maaaring gamitin ang card bilang ID sa paglalakad ng dokumento sa munisipyo o banko
Ang card na ito ay kinakailangang palaging dala ng may edad na 16 anyos pataas.

(2) Kung magpapalit ng status ng residente,panahon ng pananatili, pangalan, nasyonalidad, adress ng tirahan ng resident card (status of resident,panahon ng pananatili,pangalan, nasyonalidad,tirahan)

Pumunta ng Sendai Regional Immigration Bureau o kaya sa Koriyama branch office para gawin ang pamamaraan ng pagpalit

Iba't ibang uri ng dokumento ang kakailanganin ng pamamaraan ng pagpapalit.
Sumangguni sa Information Center.

2.Kauna-unahang dapat lakarin sa munisipyo pag pasok sa bansa

Para sa mga dayuhan na maninirahan sa bansang Hapon ng mahigit 3 buwan ay kinakailangang magparehistro bilang residente sa ward office, city hall, munisipyo o barangay ng lugar na titirahan.

(1) Pagpaparehistro ng residente

Magbuhat na makonpirma ang adress kung saan titira hanggang 14 na araw ay kinakailangang iproseso ang 「Notipikasyon sa paglipat」sa munisipyo ng lugar na inyong titirahan.Sa ganitong paraan ay makakapagparehistro ka ng residente.

    (2) My Number

    Bawat isa sa mamamayan na nakarehistro sa bansang Hapon ay binibigyan ng 「My NUmber(pansariling numero)」
    Pagkaparehistro sa munisipyo ay kasabay na ding itatala ang pansariling numero
    Pagkaraan ng ilang araw、padadalahan ka ng notipikasyon para sa pagproproseso ng iyong my number card.
    Paki gawa ang my number card ayon sa nakasulat na pahayag.

    (3) Public Medical Insurance

    Iyong mga rehistrado bilang residente ng bansang Hapon ay kinakailangang sumali sa public medical insurance.

    Ang sumali sa public medical insurance ay makakatanggap ng insurance card

    Buwan buwan ay nagbabayad nga ng insurance, ngunit kapag nag patingin sa klinik o ospital, makakamura ng babayaran sa doktor.

    Ang public medical insurance ay nahahati sa tatlong uri, na kinakailangang pumasok sa isa sa mga ito.

    Health Insurance Ang taong nagtatrabaho sa isang kompanya ang puwedeng pumasok.
    Ang kompanyang iyong pinapasukan ang maglalakad ng mga dokumento para ka makasali.
    Ang kompanya ang magbabayad ng insurance fee na buwan-buwang kakaltasin sa iyong suweldo.
    Komunsulta sa kompanyang pinapasukan kung maaari kang sumali sa health insurance.
    National Health Insurance Ang mga nag tatrabaho sa pansariling kompanya, o kaya naman ay foreign exchange students na hindi nagtatrabaho sa kompanya o kaya naman ay mga nagtatrahabo sa kompanya ngunit hindi puwedeng pumasok sa health insurance ay puwedeng pumasok sa National Health Insurance.
    Pag magpaparehistro ng residente sa munisipyo ay isabay na ang pag proproseso ng pagsali National Health Insurance.
    Sistema ng medikal insurance para sa matatanda Ang may edad na 75 anyos pataas ay maaaring sumali.
    Pag magpaparehistro ng residente ay isabay na ang pagproproseso ng pagsali sa medikal insurance para sa matatanda.

    (4) Public Pension Plan

    Ang nakarehistrong mamamayan sa bansang Hapon ay kinakailangang sumali sa Public Pension.
    Ang sumali sa Public Pension Plan ay makakatanggap ng pension book.
    Buwan buwan ay magbayad nga ng pension ngunit malaki ang maitutulong nito pag dating ng araw na tayo ay tumanda, nagkasakit o naaksidente na dahil dito ay hindi makapagtrabaho, may matanggap na benepisyo para makapamuhay.
    Ang nagbabayad ng Public Pension Insurance na kinakailangang bumalik sa sariling bansa ay makakatanggap ng ibabalik na isang parte ng halaga ng binayaran.(lump-sum withdrawal)

    National Pension (Basic Pension) Lahat ng naninirahan sa bansang Hapon na ang edad ay 20 anyos hanggang 60 taong gulang ay kinakailngang sumali.
    Pag magpaparehistro ng residente ay isabay na ang pagproproseso ng pagsali sa National Pension.
    Employee's Pension Insurance Bilang karagdagan sa National Pension,ang mga nagtatrabaho sa kompanya ay puwedeng sumali dito.
    Ang kompanyang iyong pinapasukan ang maglalakad ng mga dokumento para ka makasali.
    Ang kompanya ang magbabayad ng insurance fee na buwan-buwang kakaltasin sa iyong suweldo.
    Komunsulta sa kompanyang pinapasukan kung maaari kang sumali sa Employee's Pension Insurance.

    (5) Paaralan ng mga bata

    Sa bansang Hapon ang elementarya at junior high school ay sapilitang edukasyon (compulsory)
    Sa anak ng dayuhan, maaari siyang makapasok sa paaralan kung nanaisin mismo ng bata.
    Komunsulta sa munisipyo kapag magpaparehistro ng residente.

    Karagdagan,kumonsulta dito kung mayroon mang suliranin o hindi maintindihang bagay.

    Fukushima International Association 「Tanggapan sa konsultasyon ng dayuhang residente (7 wika)

    https://www.worldvillage.org/life/tl/consultation/consultation.html

    Puwede ding mapagsanggunian

    〒960-8103
    Fukushima-Ken Fukushima-shi Funabacho 2ban 1go Fukushima Kencho Funabacho bunkan 2kai

    TEL 024-524-1315

    FAX 024-521-8308

    Martes~Sabado 8:30~17:15
    Araw na walang pasok: (Linggo, Lunes, holiday, Disyembre 29 ~Enero 3 ay walang serbisyo)

    (c)2023 Fukushima International Association. All right reserved.